Thursday, October 18, 2007

Swanker

Hindi ako ang totoong swanker! Si marson, ang kaklase ko sa San Beda ang totoong swanker sa tropa. Kaming mga nakadikit sa kanya ay nadamay na lang. Nung magkahiwa-hiwalay na kami dahil sa syempre gumradweyt na rin, nadala ko pa rin ang swanker sa mga tropa ko sa simbahan. Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang swanker? Susubukan ko siyang i-define sa abot ng aking makakaya. "Swanker" sa basketball, kapag tumira si allan caidic, sa three point area, pasok yun at ang tunog na lilikhain ng bola sa pagtama nya sa net ay... swank! Ringless bah! So parang ganun din ang swanker, kaya lang hindi ito para sa sports na basketball, ito ay patungkol sa laro na kung saan eh shoot muna bago dribble! Parang hindi naman ako yun di ba? Ewan ko ba, sa opisina ang tawag din sa akin ay "the guru" pagdating sa mga topic na patungkol sa larong ito.

Nga pala, nag-evolved na rin ang bansag sa akin na Swanker sa Wanker! Oo swanker without capital S. Si ba-nyol (a.k.a. bastos na nyol) ang kaibigan kong matalik ang nagtanggal ng "S" sa salitang "swanker". Ito'y sa mga panahong na-eliminate din yung S na babae sa buhay ko! Pero hindi nagclick masyado ang wanker, talagang Swanker pa rin ako!

Swank... swank ... swank, experimental itong blog na ito. Wala rin akong masyadong oras dahil sa demand ng trabaho at pamilya ko. Hindi naman siguro about swank ang mostly magiging topic natin dito. Hindi naman ako nabubuhay sa swank lang! Madami... basta madami... sana madami pa!